Miyerkules, Nobyembre 5, 2014

Where to make friends?

Bago ka manligaw kailangan mo muna lawakan ang network of friends mo. Pag sinabing kaibigan hindi yung kainuman mo araw araw dyan sa may kanto nyo. Hindi din yung mag aadd ka ng kung sino sino sa facebook mo. So saan nga ba makakahanap ng bagong kaibigan at makakilala ng mga babae?

School: Kung studyante ka ay walang dahilan para maging loner ka kahit pa sabihin mong isang block lang kayo, makipag usap sa ibang batch or sa mga classmate mo or sa ibang course, ibang year, isama mo na din gawing tropa ang mga teachers mo

School Clubs: Again kung student ka ay napakadaming clubs, sumali ka at umattend ng mga meeting nila para marami kang makilala, kung mahilig ka sa sports ay mas mabuti dahil attracted ang mga babae sa mga players

Workplace: Kaibiganin ang lahat ng ka opisina mo pangit man o maganda, makipag kwentuhan sa ibang department para lalong lumawak ang network mo

Car clubs, mountaineering, fun run, photography, etc: Lahat ng activities ngayon ay madaling makita na sa internet or facebook, sumali ka sa mga facebook page nila at umattend sa mga meetings or social events nila para marami kang makilala

Friend of friends: Kung friendly ka madaling magdomino ang kaibigan mo, sumama ka lang sa mga inuman nila kahit hindi ka nainom ay makakakilala ka ng ibat ibang tao

Malls, beach, clubs,gyms, travels, etc: Pang professional level na dahil hindi mo magagawa to kung amateur ka, dont worry tuturuan kita paano

Basically ayan lang naman ang lugar na marami kang makikilala, sa next post ko tuturuan kita paano maging friendly at tanggapin ng mga tao

1 komento: