Paano nga ba manligaw? ayan ang katanungan ng milyon milyong tao sa buong mundo, I google mo lang marami naman lalabas pero ang tanong kung applicable ba ito sa mga pinoy? Maraming tips dyan, manood ka lang ng youtube at isearch mo lang online madami kang makukuhang tips pero ang pilipina ay iba. Conservative ang mga pinay in general, mahiyain, matatakutin, hindi open minded ang karamihan so sa blog na ito ituturo ko ano nga ba ang tamang diskarte para mapasagot mo ang matagal mo ng minimithing babae.
Bakit mo kailangan maniwala sa akin? Dahil pareho lang tayo, loser ako nung high school. Habol tingin lang ako sa mga chicks noon. Panay kamanyakan lang pero wala naman talaga sa totoong buhay. Humingi ako ng payo sa mga kaibigan ko, magulang ko, lolo ko, sa mga babae, etc pero walang effect. So ano ang ginawa ko? Nag aral ako, oo inaral ko ang tamang diskarte, nagbasa ako ng mga libro, nag search online, nag practice, nag trial and error at ngayon ay hindi sa pagyayabang ay sawa na ako sa magagandang babae. O alam ko sasabihin mo picture muna bago ka maniwala dba? Hindi naman kita pinipilit maniwala pero kung susubaybayan mo ang mga laman ng blog na ito at magiging open minded ka ay hindi malayong magiging kagaya mo din ako.
Ang blog na ito ay walang intensyon na mag manipula ng tao, pawang katotohan lamang ang ihahatla ko dito at ang mga bagay na epektibo sa akin. Mapapansin nyo na hindi po original o ako ang nagpasimula ng mga diskarte nito, ito ay compilation lamang na galing sa mga aklat, blog at pick up artist sa internet. Hindi ka na mahihirapan dahil pagsasama samahin ko na ang lahat ng diskarte dito sa blog na ito. Ok lang punahin mo ang mga isusulat ko kung mali or iba ang diskarte mo na sa tingin mo ay epektibo, sige sitahin mo na din ang maling grammar at kung ano ano pang sa tingin mo ay ikakaganda ng blog na ito. Open minded po ako at ayun ang pinakaimportante kung gusto mong magkasyota
Lastly, bale wala ang pagbabasa dito kung hindi mo susubukan kaya simulan na natin guys. Goodluck!!!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento