Bago ka manligaw kailangan mo muna lawakan ang network of friends mo. Pag sinabing kaibigan hindi yung kainuman mo araw araw dyan sa may kanto nyo. Hindi din yung mag aadd ka ng kung sino sino sa facebook mo. So saan nga ba makakahanap ng bagong kaibigan at makakilala ng mga babae?
School: Kung studyante ka ay walang dahilan para maging loner ka kahit pa sabihin mong isang block lang kayo, makipag usap sa ibang batch or sa mga classmate mo or sa ibang course, ibang year, isama mo na din gawing tropa ang mga teachers mo
School Clubs: Again kung student ka ay napakadaming clubs, sumali ka at umattend ng mga meeting nila para marami kang makilala, kung mahilig ka sa sports ay mas mabuti dahil attracted ang mga babae sa mga players
Workplace: Kaibiganin ang lahat ng ka opisina mo pangit man o maganda, makipag kwentuhan sa ibang department para lalong lumawak ang network mo
Car clubs, mountaineering, fun run, photography, etc: Lahat ng activities ngayon ay madaling makita na sa internet or facebook, sumali ka sa mga facebook page nila at umattend sa mga meetings or social events nila para marami kang makilala
Friend of friends: Kung friendly ka madaling magdomino ang kaibigan mo, sumama ka lang sa mga inuman nila kahit hindi ka nainom ay makakakilala ka ng ibat ibang tao
Malls, beach, clubs,gyms, travels, etc: Pang professional level na dahil hindi mo magagawa to kung amateur ka, dont worry tuturuan kita paano
Basically ayan lang naman ang lugar na marami kang makikilala, sa next post ko tuturuan kita paano maging friendly at tanggapin ng mga tao
Paano Manligaw?
Miyerkules, Nobyembre 5, 2014
Sabado, Oktubre 25, 2014
Tamang Porma
Before anything else, kailangan mo munang ayusin ang sarili mo bago ka manilagaw. Simulan muna natin sa porma mo kung gusto mong magkasyota. Lulusob ka ba ng gera kung walang kang tamang kasuotan o walang dalang baril? syempre hindi. Ano nga ba ang tamang porma?
Una sa lahat ay mag ahit at magpagupit ka at oo pati yang buhok mo sa ilong ay gupitin mo kadiri ka! Yung clean cut dapat. Rakista ka ba? Pwes muka kang mabaho, Hippy ka ba? Puro balakubak na yang dreads mo, o long hair ka ba? Tangina noong 80's pa uso yan. Alam ko na Hip Hop ka ba? Hoy itigil mo muna yang kakapanood mo ng fliptop. Kung hindi mo kamuka si Kurt Cobain o kasing galing ni eminem ay wala kang karapatan. Magpagupit ka na ng malinis, wala ng iba ok.
Pangalawa yung bulok mong ngipin ay ipaayos mo na. Huwag ka ng magtaka kung bakit ayaw ka kausapin ng crush mo kasi bad breath ka. Konting jogging at kilos din kung mataba ka, sabi nga nila if you cant take care of yourself how would you take care of others. Wala kang time mag gym? wala kang pera? oo kaya walang sumasagot sayong babae kasi itim ng siko at tuhod mo, akala mo ba astig ang chokobatok mo? kung hindi ka conscious sa sarili mo pwes conscious yung babaeng type mong makatabi ka.
Pangatlo yang bulok mong damit ay gawin mo ng basahan para naman matuwa sayo ang nanay mo. Ano nga ba ang tamang kasuotan? ang sagot ay Tshirt/Short jeans or pantalon, ayan lang wala ng iba. Kung ano yung nakikita mo sa TV na suot ng mga artista ay wag mong gayahin. Mag mumuka ka lang tanga. Wag kang trying hard. Kung hindi mo ma imagine ang sinasabi ko ay lumabas ka sa gabi at tignan kung ano ang suot ng mga call center agent. Sila ang pinaka the best na example. Bakit? Kasi napakasimple ng mga suot nila, basta tshirt/polo shirt lang at pantalon ay ok na, they are not trying hard to get other people attention dahil sa trabaho nila ay galing sa ingles ang kailangan nila. Ganun din sa panliligaw, magpakasimple ka lang, hindi mo kailangan bumili ng mamahaling damit o gamit pwera na lang kung mayaman ka. Ang daming ukay ukay dyan or sa divisoria mag tsaga ka mag ikot makakakita ka ng maganda at mura dyan.
Pang apat at medyo crucial to lalo na sa mga kagaya kong pulubi. Napaka importante ng pabango. Pag sinabi kong pabango ay hindi jovan o aficionado. Mag ipon ka kung estudyante ka pa lang or magtrabaho para makabili ka ng orig na pabango yung galing mall hindi yung galing cash and carry o tester na mabibili online o sa greenhills na puro fake. Ano ba ang mabango? Gamit ko ngayon ay D&G Light, Bvlgari extreme at kenneth cole black. Konting spray lang basta orig tsak bangong bango sayo ang mga chicks nyan. Syempre pati deodorant wag mong kalimutan ok.
Ayan lang naman ang pinaka importante, syempre yung pag papalit ng medyas at brief araw araw ay hindi ko na kailangan isama dyan, common sense na lang naman. I know you get the gist so til next post ulit.
Intro
Paano nga ba manligaw? ayan ang katanungan ng milyon milyong tao sa buong mundo, I google mo lang marami naman lalabas pero ang tanong kung applicable ba ito sa mga pinoy? Maraming tips dyan, manood ka lang ng youtube at isearch mo lang online madami kang makukuhang tips pero ang pilipina ay iba. Conservative ang mga pinay in general, mahiyain, matatakutin, hindi open minded ang karamihan so sa blog na ito ituturo ko ano nga ba ang tamang diskarte para mapasagot mo ang matagal mo ng minimithing babae.
Bakit mo kailangan maniwala sa akin? Dahil pareho lang tayo, loser ako nung high school. Habol tingin lang ako sa mga chicks noon. Panay kamanyakan lang pero wala naman talaga sa totoong buhay. Humingi ako ng payo sa mga kaibigan ko, magulang ko, lolo ko, sa mga babae, etc pero walang effect. So ano ang ginawa ko? Nag aral ako, oo inaral ko ang tamang diskarte, nagbasa ako ng mga libro, nag search online, nag practice, nag trial and error at ngayon ay hindi sa pagyayabang ay sawa na ako sa magagandang babae. O alam ko sasabihin mo picture muna bago ka maniwala dba? Hindi naman kita pinipilit maniwala pero kung susubaybayan mo ang mga laman ng blog na ito at magiging open minded ka ay hindi malayong magiging kagaya mo din ako.
Ang blog na ito ay walang intensyon na mag manipula ng tao, pawang katotohan lamang ang ihahatla ko dito at ang mga bagay na epektibo sa akin. Mapapansin nyo na hindi po original o ako ang nagpasimula ng mga diskarte nito, ito ay compilation lamang na galing sa mga aklat, blog at pick up artist sa internet. Hindi ka na mahihirapan dahil pagsasama samahin ko na ang lahat ng diskarte dito sa blog na ito. Ok lang punahin mo ang mga isusulat ko kung mali or iba ang diskarte mo na sa tingin mo ay epektibo, sige sitahin mo na din ang maling grammar at kung ano ano pang sa tingin mo ay ikakaganda ng blog na ito. Open minded po ako at ayun ang pinakaimportante kung gusto mong magkasyota
Lastly, bale wala ang pagbabasa dito kung hindi mo susubukan kaya simulan na natin guys. Goodluck!!!

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)